Pagkaing Banal

演唱:Hangad
PAGKAING BANAL (Base sa Juan 6:53-58)
Stanza 1
Sa aming pagdurusa, sa ‘ming pag-iisa
Ikaw ang hanap-hanap ng aming kaluluwa
Refrain 1
Oh Hesus, ikaw ang bukal ng dakilang pagmamahal
Kinasasabikan naming Pagkaing Banal.
Refrain 2
Ang Hapag ng pag-ibig mo, laging hahanapin
Katawan at dugo mo, Hesus, tanging yaman namin
Stanza 2
Sa ‘ming pangungulila, sa ‘ming pagluluksa
Sa yakap mo lamang kami nakakapahinga (Repeat Refrain 1 & Refrain 2)
Sa aming agam-agam, sa ‘ming pangangapa
Sa yo magpapaakay upang di mawala (Repeat Refrain 1)

你可能喜欢