Bwelo Lang

演唱:K-Leb
Sabi ay di mo na raw mararating, sabi ay di ka raw magaling, sabi lang yan ng mga nagmamagaling, nagmamagaling pero wala naman nararating, meron isang batang tahimik, nagsusulat palagi sa gilid, payat at nagbabasa ng dyaryo, pinapatalas niya ang kanyang bokabolaryo, madalas binabahog sa kanin ang kape, kakaisip ng tula inabot ng hating gabi.
Hanggang sa binawi ng lumikha kanyang inay, kalungkutan ang gabay at dun lang siya sumakay, hinanap ang sarili at maagang napansin na kakaiba siya sa lahat ng kanyang kasabay, sulat siya ng sulat at hindi siya lumubay, pag mali sinusuntok niya ang sarili niyang kamay, kung yun lang ang paraan para mahasa, para hindi rin masayang ang binitawan niyang pangako sa kanyang inay, doon sa syudad sumugal, nakipagkagatan sa animal para lang tumagal, hindi lang pisikal pari emosyonal, nagawang pakisamahan ang kukupal kupal, tapos tatarantaduhin, gagaguhin, bababuyin ang pangalan, ng mga taong sabik magkapangalan, gagawin lahat para lang sa kasikatan, buti na lang di ko ginawa yan.
Nakakita ng totoo na kasama, buti na lang aking nakilala, buti na lang aking naalala, na kumikinang na pala ako na tala, masaya akong di na kayo kasama at kung kaya pa kayong ipamalas, bakit hindi ninyo gawin ngayon sa aking harap para malaman niyo kung pano ko ibabalik ang karma
Putangina niyong lahat, rekta sa utak sagad, lamunin niyo ang mga kiriko ko pati hinlalato ko ngarat, para to sa lahat ng mga nakikinig sakin wag kayong paaapi sa mga utak na mahingin kayo lang ang may kakayanan sige hawiin , tuparin ang lahat lahat sige tumindig at gawing totoo lahat ng yong panalangin,
Kaya mo rin yan ng mag isa. Pahingan lang pag pagod ka na. Pag balik itodo lampas lima, wag papigil sa kanila kaya mo rin yan konting bwelo lang, pagbalik itodo mo lang lahat,
Kaya mo yan kaya mo yan, sige lahat ay palagan, kaya mo yan kaya mo yan , sige lahat ay palagan, kaya mo yan kaya mo yan, sige lahat ay palagan, kay mo yan kaya mo yan....

你可能喜欢